Skip to main content
Click to open menu
Click to close menu
Begin main content
Crop Type

Palay

Ang Palay (Oryza sativa) ay isa sa sinaunang butil sa mundo na nakakain at mataas sa starch na kabilang sa uri ng halaman na grass (Family Poaceae). Ito ay isang monocot na karaniwang lumalaki bilang isang annual crop kahit na sa ilang tropikal na lugar ay nabubuhay ito bilang isang pangmatagalan (perennial) na halaman sa pamamagitan ng pagsasanay ng ratooning.

Ang Pilipinas ay isa sa top 10 rice producers sa buong mundo na may 4.8 milyong hektarya na palayan at mahigit 71% nito ay may irigasyon. Palay ang karaniwang tinatanim ng mga magsasakang Pilipino sapagkat ito ang pangunahing pagkain sa Pilipinas kung saan ay umabot sa 35% ng average na calorie intake ng bawat Pilipino.