Skip to main content
Click to open menu
Click to close menu
Begin main content
Crop Type

Mais

Ang mais (Zea mays) ay nakakain ang butil at kabilang sa pamilya ng damo o grass (Poaceae) na nagmula sa Amerika, isa rin ito sa may pinakamalaking bahagi ng pinagkukunan ng pagkain sa buong mundo. Isa itong matangkad na annual grass na may tuwid at solidong tangkay at malalaking makitid na dahon na may pagkakulot na gilid at nakapwesto na may puwang sa magkabilang panig ng tangkay.

Ang mais ay isa sa pinakamahalagang pananim na sa Pilipinas na may humigit-kumulang na 2.5 milyong hektarya ng maisan. Ang variety na dilaw at puting mais ang pinakatanyag. Maraming gamit ang mais tulad ng pakain o feeds ng hayop, pagkain ng tao, biofuel at ginagamit rin bilang raw material ng iba't ibang industriya. Mayaman ito sa fiber, naglalaman ng bitamina B at mahahalagang minerals.