Kamatis
Ang kamatis (Lycopersicon lycopersicum) ay kabilang sa pamilya nightshade (Solanaceae). Nagbubunga ito ng nakakain na prutas na maaaring magkakaiba sa laki at kulay mula sa pula, rosas o dilaw kapag hinog na. Mayaman ito sa lycopene na nagbibigay sa kamatis ng matingkad na pulang kulay at pinoprotektahan nito mula sa ultraviolet rays ng araw. Nagbibigay din ito ng maraming kapaki-pakinabang na epekto sa kalusugan ng tao.
Ang kamatis ay isa rin sa pinakamahalagang pananim sa buong mundo. Sa Pilipinas, ito ay sangkap sa iba't ibang lutuin, sarsa, salad at inumin at mainam na pinagkukunan ng bitamina at iba pang mga sustansya.