Skip to main content
Click to open menu
Click to close menu
Begin main content
Crop Type

Sitaw

Ang sitao o sitaw (Vigna unquiculatasubsp. Sesquipedales (L.) Verdc.) ay isang herbaceous plant na may tatluhang-dahon at mga bulaklak na magkapares. Ang mga bunga / pods nito ay maaring kulay lila, berde, light green o dark green. Ang sitao ay mabilis lumago na halaman at kapag ito ay nagsimulang mamunga, ang pag-aani ay dapat gawing tuwing makalawa o kaya ay araw-araw.

Ang sitao ay mahusay na mapagkukunan ng protein vitamins tulad ng Vitamin A, thiamin, riboflavin, folate at mineral kagaya ng iron,  phosphorous, potassium, magnesium at manganese.