Saging
Ang saging (Musa sp.) ay isang herbaceous flowering plant na kadalasang matangkad at medyo matibay, ang puno nito ay hindi tunay na puno o kung tawagin ay pseudostem. Ang prutas ay mahaba at nakakain, iba-iba rin ang laki at kulay nito na may malambot na laman na mayaman sa starch at Potassium.Ang saging ay maaaring maitanim sa iba't ibang klase ng lupa na may magandang drainage at hindi siksik o compact na lupa.
Ang saging ay isa sa pinakamahalagang pananim sa agrikultura pagdating sa kita sa pag-export.