Patatas
Ang patatas (Solanum tuberosum) ay isang gulay na kilala sa starchy tuber nito. Ito ay isang pangmatagalan na halaman (perennial plant) na kabilang sa nightshade family (Solanaceae).
Ang patatas ay karaniwang napaparami mula sa mga binhi, maliliit na tubers o mga piraso ng tubers na itinanim sa lalim na 5 hanggang 10cm sa lupa na mabuhangin hanggang sa clay loam. Mas gusto ng mga patatas ang lupa na may pH na 5.5 hanggang 7.0 at mababa ang salinity (hindi maasin/maalat na lupa).