Skip to main content
Click to open menu
Click to close menu
Begin main content
Crop Type

Pinya

Ang pinya (Ananas comosus) ay kabilang sa pamilyang Bromeliaceae na tumutubo bilang isang maliit na shrub, na may maraming bulaklak na bumubuo sa nakakain na prutas. Kadalasang pinaparami ito sa pamamagitan ng plant offset galing sa korona (crown shoot) ng prutas o kaya ay sa side shoot na kadalasang namumunga sa loob ng isang taon.

Ginagamit ang prutas at juice ng pinya sa iba't ibang mga lutuin, maaari itong kainin ng hilaw o gamitin sa pagluluto o sa paggawa ng mga panghimagas.

Sa Pilipinas, ang pinya ay isa sa pinakamahalagang pananim sa agrikultura pagdating sa kita sa pag-export at isa rin sa top 3 na bansa na gumagawa ng pinakamaraming pinya.